PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for December, 2008

Reflection: Solemnity of Mary, Mother of God - January 1, 2009: NEW YEAR’S RESOLUTION

Bagong taon na naman! Bagong buhay… Bagong pag-asa! May New Year’s Resolution ka na ba? Sabi ng isang text na natanggap ko: Ito ang mga New Year’s Resolutions ko: 1. Di na ko mangangako, PROMISE! 2. Di na ko mag-iingles, NEVER AGAIN! 3. Di na ako magsusugal. PUSTAHAN TAYO! 4. At di na ko magsasalita ng tapos. PERIOD. hehehe… parang sinasabi n’yang para saan pa ang New Year’s Resolution, eh sa simula pa lang di mo na kayang tuparin ito? Kung sabagay, marami sa atin ang parating sumusubok na gumawa ng new year’s resolutions pero tumatagal ba? Marami sa atin ay “ningas kugon” o kaya naman ay parang “kuwitis” ang pangako… hanggang simula lang! Pagkalipas ng ilang araw, balik uli sa dati! Kaya nga ang marami ay di na elib sa paggawa ng NYR o New Year’s Resolution. Tama? Mali!!! Hindi ko sinasang-ayunan ang ganitong pag-iisip. Sapagkat parang sinasabi mo na rin na di mo kayang baguhin ang iyong sarili! Minsan may isang tatay na gumawa ng NYR na uuwi na siya ng maaga pagkatapos ng trabaho. Nung dati kasi ay inaabot siya ng hatinggabi dahil sa kanyang “extra-curricular activities!” Laging gulat ng asawa niya nang sa simula ay umuuwi na siya ng maaga. Kaya’t panay ang pasasalamat ang namumutawi sa kanyang bibig: “Glory be to the Father and to the Son and to the Holy Spirit!” Kaya lang habang tumatagal ay bumabalik na naman ang masamang ugali ng asawa at ang maagang pag-uwi ay inuumaga na naman. Kaya’t minsang dumating ng umaga si mister ay binulyawan niya ito: “Walanghiya ka! … as it was in the beginning ka na naman! Animal!!!” Saan ba nakasasalalay ang isang tunay na pagbabago? Ang Kapistahan ngayong unang araw ng taon ay may sinasabi sa atin. Kapistahan ngayon ni Maria, Ina ng Diyos. Kung mayroon mang pinakadakilang katangian si Maria ay walang iba kundi ang kanyang malakas na pananampalataya! At ito ang maari nating hingin kay sa ating Mahal na Ina… ang isang malakas na pananampalataya na kaya nating baguhin ang ating sarili. Totoo, ito ay isang “grasya” na tanging Diyos lang ang maaring magkaloob. Ngunit hindi niya ito ibibigay sa atin kung hindi natin hihingiin at hindi natin pagsusumikapang isabuhay. Manalig ka na kaya mong ihinto ang bisyo mo! Manalig ka na kaya mong maging ulirang asawa! Manalig ka na kaya mong maging mabuti at masunuring anak. Manalig ka na kaya mong magsikap sa pag-aaral! Manalig ka na sa tulong ng Diyos ay kaya mong baguhin ang takbo ng buhay mo… Katulad ni Maria, umasa tayo sa Kanya pero gawin natin ang kalooban Niya. May kasabihan tayo… “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa!”

Reflection: Feast of the Holy Family - December 28, 2008 : SUSMARYOSEP!

“SUSMARYOSEP!” Kalimitan nating naririnig at ginagamit ang mga katagang ito kapag tayo ay nagugulat.  Alam ba ninyong ito ay hango sa tatlong banal na pangalan nina JeSUS MARia at JOSEPH? Kaya nga kung minsan nakakalungkot na nawawalan na ng tamang paggalang ang paggamit ng salitang ito.  “Minsan sa isang religion class ay nagtuturo ang isang madre: “Mga bata, alam ba ninyong tayong lahat ay nilikha ng Diyos? Galing tayo sa Kanya!”  Sagot ang isang batang pangit, “Sister, ang sabi po ng nanay ko ay galing daw tayo sa unggoy!”  “Iho”, sagot ni sis, “hindi natin pinag-uusapan ang pamilya mo dito!” Papayag ka bang ang pamilya mo ay galing sa unggoy?  Pero ito ang nangyayari ngayon… “INUUNGGOY” ang pamilya! Hindi na nabibigyan ng sapat na respeto ang karapatan nito. Sa ngalan ng pagtataguyod ng kalusugan, o pagpaplano ng pamilya ay matalinong naitataguyod ang unti-unting pagsira sa kabanalan ng buhay at pamilya! Kalimitang binubunton ang sisi sa lumolobong populasyon, mga sakit na dulot ng hindi safe na sex, kahirapan ng buhay… ngunit kung atin lamang susuriing malalim ay hindi ito ang ugat ng mga problema.  Ito ay mga epekto lamang ng hindi paggalang sa “buhay” na kaloob ng Diyos sa atin.  Tandaan natin na ang pamilya ay binubuo ng mga tao na kawangis ng Diyos.  Ang paglapastangan sa karapatan at dignidad ng bawat tao ay paglapastangan sa kabanalan ng pamilya! Ipanalangin natin na sana ay mapanatili ang kabanalan ng bawat pamilya.  Sana ay maitaguyod ng mga mambabatas ang tunay na paggalang sa kanilang karapatan. Ang Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose ay dapat laging magpaalala sa atin na sa kabila ng kahirapan sa buhay, sa kabila ng maraming pagsubok na hinaharap ang pamilyang Pilipino ay dapat manatili itong nakasentro sa Diyos. Hindi perpekto ang Banal na Pamilya ngunit dahil sa narooon si Jesus, ang Emmanuel… ang DIYOS NA SUMASAATIN ay doon ito patungo!  Tanging ang pamilyang pinaghaharian ni Kristo ang matatawag nating BANAL NA PAMILYA!

Reflection: Solomnity of Christmas - December 25, 2008: ANG BELEN SA PUSO MO!

Alam n’yo ba na sa America ay di puwede ang Belen?  Wala kasing WISE MEN doon! Sa Japan na napakayaman ay di rin puwede ang Belen! Bakit? Kasi walang POOR SHEPHERDS! Sa Amsterdam na kilala bilang ‘prostitution capital’ ay wala ring Belen! Kasi walang VIRGIN! Pero sa PILIPINAS… puwedeng-puwede ang Belen!  Bakit??? Kasi… maraming HAYOP! hahaha! Marami mang “hayop” na maituturing sa atin, una na d’yan ang mga naglipanang mga buwaya mula kalsada hanggang kongreso, ay tuloy pa rin ang Pasko sa atin! Puwedeng puwede pa rin ang Belen at dapat talagang magkaroon ng Belen! Ito na lang kasi ang nakikita kong kasagutan sa naparaming “masasama at mababangis” na hayop sa ating lipunan.  Dapat ibalik ang BELEN.. dapat ibalik si KRISTO sa ating Pasko.  Maraming mahihirap sa ‘ting paligid sapagkat pinaghaharian pa rin tayo ng ating pagiging makasarili! Sariling interes, sariling pagpapakayaman, sariling kapakanan ang inuuna. Wala tayong pinagkaiba sa mga hayop sa kagubatan… survival of the fittest! Kaya nga marami ang nagugutom, walang matirhan, walang makain sapagkat wala ring nagbabahagi, walang gustong magbigay. Marami rin sa atin ang hindi ang hindi WISE sa buhay! Kulang sa pananaw sa buhay. Gusto lang ay ang pangkasalukuyang kaligayahan.  Hindi iniisip ang masamang epekto ng maling desisyon sa buhay.  Hindi taglay ang pag-iisip ni Kristo!  Kaya nariyan na ang mga ilan na pera ang inuuna bago ang pamilya, handang isakripisyo ang katotohanan sa ngalan ng pakikisama, nagpapakasasa sa pita ng laman sa kadahilanan ng pansariling kaligayahan, nagpapakalunod sa bisyo sa ngalan ng kalayaan! Kailan kaya natin maibabalik si Kristo sa ating mga puso?  Ayusin muna natin ang “belen sa ating mga puso.” Ipaghanda natin si Jesus ng matitirhan.  Linisin natin ang lahat ng masasamang pag-uugali. Tanggalin ang nagiging mga sagabal sa pagdiriwang ng isang MAPAYAPANG PASKO!  Handa na ba ang Belen sa puso mo? Sa Paskong ito, isa lang ang dalangin ko… nawa’y maisilang si Jesus sa puso ng bawat tao… ISANG MAKAHULUGANG PASKO SA INYONG LAHAT!

Reflection: 4th Sunday of Advent Year B - December 22, 2008: MARY CHRISTMAS!

Ilang tulog na lang ay Pasko na!  Nasindihan na natin ang ikaapat na kandila ng Adbiyento. Maraming mga tao ngayon ang nasa “panic mode” na at siguradong punong-puno na naman ang mga department stores at supermarket para sa huling sandali ng pamimili. Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung alam ba natin ang ating pinaghahandaan? Takbo tayo ng takbo, ikot tayo ng ikot, abalang-abala tayo sa maraming bagay… ngunit para saan? Bakit nga ba may Pasko? Hindi natin matatagpuan ang kasagutan sa ating pag-unawa bilang mga tao.  Ang kasagutan ay maibibigay lamang ng Diyos.  May isang kuwento tungkol sa isang “bridge-master”.  Ang kanyang trabaho ay itaas at ibaba ang tulay tuwing daraan ang tren.  Mayroon siyang isang anak na lubos niyang minamahal na aliw na aliw na pinapanood ang mga tren na dumaraan sa tulay. Minsang nagkaroon ng pagkakamali, may dumarating na tren at nakataas pa ang tulay. Hindi ito napansin ng kanyang tatay kaya’t tumakbo ang bata upang ibaba ang tulay sa pamamagitan ng isang “control lever” na matatagpuan sa may ibaba ng tulay. Nadulas ang bata at naipit sa tulay. Doon siya nakita ng tatay at laking pagkagulat nito ng makita ang tren na paparating mula control tower.  Sa mga sandaling iyon, kailangan niya ang magdesisyon… hayaang nakataas ang tulay at masawi ang mga taong nasa loob ng tren, o ibaba ito at hayaang mamatay ang kanyang anak! Ano kaya ang ang kanyang desisyon? Abangan sa susunod na kabanata… hehe.  Masakit mang tanggapin ngunit ang naging desiyon n’ya ay ibaba ang tulay! Bakit tayo may pagdiriwang ng Pasko? Sapagkat mayroong Diyos na nagsakripisyo ng Kanyang Anak upang tayo ay maligtas! Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang malaking sakripisyo para sa ating kaligtasan. Anong sakripisyo na ba ang nagawa ko bilang aking tugon sa kagandahang loob ng Diyos? Si Maria ay nagpakita ng malaking sakripisyo nang tumugon siya sa paanyaya ng anghel na maging ina ng Diyos. “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” Kaya ko rin bang isakripisyo ang aking kalooban sa kalooban ng Diyos tulad ni Maria? Kung minsan masyadong mataas ang ating “pride”; ayaw nating magpakumbaba, ayaw nating magpatawad, ayaw nating magpatalo… Ang Pasko ay nagpapahiwatig sa atin ng pagpapakumbaba at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sana, sa ating abalang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko ay hindi natin makalimutan ang malaking sakripisyo ng Diyos at ang pagsunod na ginawa ng Mahal na Birhen. “MARY Christmas!”

Reflection: Immaculate Conception - December 8, 2008 : SA LAKAS NG DIYOS… POSIBLE! (Reposted)

Minsang pumasyal ako sa Bicol at pinuntahan ko ang matayog at magandang Mayon volcano. Swerte ako at maganda ang panahon. Maaliwalas ang kalangitan kitang-kita ang “perfect cone” ng bulkan. Ang sabi ng ilang tagaroon: “May paniniwala na tanging ang mga birhen lang ang nakakakita ng perfect cone ng bulkan.” Nang sumunod na araw ay naroroon uli ako at napansin kong may grupo ng mga madreng tinatanaw ang bulkan at ang sabi nila: “Ay sayang! Maulap di natin makita ang perfect cone ng bulkang Mayon!” hehehe! Uso pa ba ang pagiging birhen ngayon? Sa ibang progresibong pag-iisip ay makaluma na ang kahinhinan at kalinisan. Ngunit ang kapistahang ipinagdiriwang ngayon ay nagsasabing posible pa rin ang kalinisan! May ilan pa ring nalilito sa kapistahang ito: ang “Immaculate Coneception”. Akala ng iba, ito ay ang mahimalang paglilihi ni Maria kay Jesus o ang tinatawag nating “virgin birth” ni Jesus. Sino ba talaga ang ipinaglihi? Si Jesus o si Maria? Ang Immaculate Conception ay ang “kalinis-linisang paglilihi kay Maria” na pinaniniwalaan nating totoo bilang mga Kristiyano. Paano nangyari na ang isang tao ay ipinaglihing walang kasalanan gayung lahat ng taong isinisilang sa mundo ay nababahiran ng “original sin?” Marahil imposible para sa ating mga tao, ngunit hindi sa Diyos! Kung hihiramin ko ang slogan ng Globe telecom: “Sa lakas ng Diyos… POSIBLE!” Isang natatanging pribelihiyo ang ibinigay ng Diyos kay Maria na ipinaglihi siyang walang kasalanang mana sapagkat siya ang magdadala sa Anak ng Diyos sa kanyang sinapupunan. Hindi ata tama ang maglagay ng maputing bigas sa maruming kaldero! Dapat malinis muna ang paglalagyan! Ang sinapupunan ng Mahal na Birhen ay ihinihanda na ng Diyos sapul pa nung ipaglihi siya ng kanyang mga magulang. At ang kalinisang ito ay kanyang pinanatili! Kaya nga ang tawag natin din sa kanya ay “Ever-virgin!” Isang magandang paalala sa ating lahat. Marahil ay hindi natin mapapantayan ang kalinisan ng Mahal na Birhen. Ngunit inaanyayahan tayong mabuhay ng may malinis na puso! Nakakalungkot sapagkat kalat na sa mundo ang kalaswaan at sinisira ang murang pag-iisip ng ating mga kabataan. Hingin natin na sana ay protektahan ng Mahal na Birhen ang bawat isa sa atin. Wag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat kaya din nating maging malinis tulad niya. Tandaan natin… “Sa lakas ng Diyos… POSIBLE!”

Reflection Second Sunday of Advent Year B - December 8, 2008 : PRO CHA-CHA TAYO!

Umiinit na naman ang usapin ng “cha-cha.” Ngayong nalalapit na naman ang 2010 elections marami na namang personal na interes ang isinusulong sa ngalan ng pag-unlad at paglago ng ekonomiya. Tama bang mag cha-cha? Iba-iba ang opinyon ng mga tao dito depende sa kanilang panininidigan at prinsipyong pinanghahawakan. Ngunit kung ako ang tatanungin PRO CHA-CHA ako! Pero hindi cha-cha for charter change kundi CHA-CHA for CHARACTER CHANGE! Sapagkat kung titingnan natin ang ugat ng problema sa ating lipunan ay matutukoy natin ang ating pagiging makasarili! Tunay nga naman… the root of all sins is selfishness! May mga tao kasing ang iniisip lang ang personal na interes at ikabubuti. Bahala na kung makasagasa ng iba! Bahala na kung makasakit! Bahala na kung matatapakan ang karapatan ng iba! Akmang-akma ang Ebanghelyo natin ngayon sa usaping pagbabago. Ang tunay na “cha-cha” ay ipinahayag noong panahon pa lamang ng mga propeta. Sa bibig ni Propeta Isaias: “Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!” At anung uring paghahanda? Tambakan natin ang mga lambak ng ating pagkukulang. Patagin natin ang mga bundok ng ating kayabangan. Ituwid natin ang liku-likong daan ng ating pandaraya! Sa wika ni San Juan Bautista: “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.” Ang binyag na tinutukoy dito ay binyag na tanda ng pagsisisi at pagbabalik-loob. Ano na ba ang paghahandang nagawa ko para sa Pasko? Baka naman nakatali pa rin ako sa mga panlabas na alalahanin? Dekorasyon, aguinaldo, noche-buena, bagong damit… etc. Mahalaga ang lahat ng mga ito ngunit may mas mahalaga pa sa kanila. Bakit di mo kaya naman pagtuunan ng pansin ang espirituwal mong kapakanan? Bakit di mo subukang gumawa ng magandang kumpisal bago mag Pasko? Bakit di ka magpakita ng pagkakawanggawa sa mga taong nangangailangan? Bakit di mo subukang magpatawad sa mga taong nakagawa sa iyo ng masama? Bakit di mo subukang kausapin ang mga taong iyong kinaiinisan? Ito ang tunay CHA-CHA… pagbabago ng sarili! Sabayan mo ang indak ng Kapaskuhan! Subukan mong magcha-cha at makikita mong magiging masaya at makahulugan ang iyong Pasko!