PROYOUTH 1

Gospel Reflections for Young People and the Young at Heart

Archive for February, 2009

Redlection: 1st Sunday of Lent Year B - March 1, 2009: O TUKSO… LAYUAN MO AKO!

May nagkumpisal sa isang pari: “Bless me Father for I have sinned… Father, I had bad thoughts in my mind.” Tanong ng pari: “Did you entertain them my son?” Sagot naman ng binata: “No Father! I did not entertain them… they entertained me!” ehehe! Ang tukso nga naman… kahit saan ka lumingon, naroroon. Kaya nga mga mali ang dating kanta ni Eva Eugenio (Huh? Sino sya? Tanungin n’yo na lang nanay at tatay n’yo!) na ni-revive naman ni Sunshine Cruz. Sabi ng kanta: “O tukso… layuan mo ako!” Ang tukso hindi maaring lumayo, bagkus lalapit at lalapit ito sa atin hanggang malaglag tayo sa kasalanan. Si Hesus nga na anak na ng Diyos ay hindi na-exempted sa tukso. Ang malaking pagkakaiba lang ni Hesus sa atin ay “nilabanan at napagtagumpayan niya ang tukso!” Dalawang paraan ang ginamit ni Hesus na maari din nating gamitin lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma: ang panalangin at pag-aayuno. Nanatili si Hesus sa ilang upang paghandaan ang nalalapit niyang misyon: Ang pagpapahayag ng Mabuting Balita! Apatnapung araw ang ginugol niya sa panalangin at pag-aayuno. Ang panunukso ng diablo ay nung panahong lubhang napakahina na ng katawan ni Hesus. Tayo rin ay pinagsasamantalahan ng diyablo sa mga oras na tayo ay mahina … kaya nga’t ang tanging makapagpapalakas sa atin ay panalangin at pag-aayuno o paggawa ng sakripisyo. Sa apatnapung araw na ito ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay palalimin natin ang ating buhay panalangin. Pag-ibayuhin natin ang paggawa ng sakripisyo upang madisiplina ang katawan. Hindi kinakailangang malaki: simpleng pagbawas sa panonood ng tv, paglalaro sa computer, sa pagtetext, sa paggimik, sa bisyo… marami kang puwedeng gawin! Wag na nating hintayin pang kumatok ang tukso sa pintuan ng ating puso, patuluyin at pagkapehin! ‘Wag natin siyang bigyan ng pagkakataon na aliwin tayo. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at panalangin ay mapagtatagumpayan natin ang anumang pang-aakit ng tukso!

Reflection: Ash Wednesday - February 25, 2009 : DIETING OR FASTING

Miyerkules na naman ng Abo! Madudumihan na naman ang ating noo at mababawasan na naman ang ating kakainin! Ang araw na ito ang simula ng panahon na tinatawag nating Kuwaresma o ang apatnapung araw ng paghahanda natin sa pagdiriwang ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus. Sa araw ding ito ay isinasagawa natin ang ikatlong utos ng Simbahan na “fasting and abstinence”. Minsang may isang dalagitang nagsabi sa isang pari : “Father, di ko na kailangang magfasting ngayong Lent! Matagal ko po’ng ginagawa yan… nagdidieting naman po ako!” “Ineng,” ang sabi ng pari, “ang dieting ay para maging kahali-halina ang figure mo, ang fasting… para maging kaaya-aya ang kaluluwa mo.” Ito dapat ang iniisip natin tuwing papasok ang kuwaresma: “Paano ko ba magagawang kahali-halina ang aking kaluluwa? Paano ko ba mapapabanal ang aking sarili?”Madami na tayong pagdisiplinang ginagawa sa ating katawan. Kung tutuusin ay labis na ang ating pag-aalaga dito. Pansinin mo na lang ang mga produktong lumalabas sa mga advertisements sa television: may non-fat milk, may sugar free na cofee, may mga diet softdrinks, at marami pang iba. Halos lahat ay para sa mapanatili ang magandang pangangatawan. Kailan pa natin pagtutuunan ng pansin ang ating kaluluwa? Ang panahon ng Kuwaresma ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon. Sa pamamagitan ng pag-aayuno ay madidisiplina natin ating kaluluwa. Bale wala ang pag-aayuno, di pagkain ng karne o abstinensya, kahit ang mismong paglalagay ng abo sa noo kung di naman bukal sa ating sarili ang pagnanais na magbago. Pansinin ang ebandhelyo ngayon: Balewala ang paggawa ng mabuti, pagdarasal at pag-aayuno kung pakitang-tao lamang! Isapuso natin ang tunay na pagbabago! Ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa kaibuturan ng puso ng tao. Hindi sa panlabas na pagpapakita nito. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ng pari kapag nagpalagay ka ng abo… “Magsisi ka sa iyong mga kasalanan at sumampalataya sa Ebanghelyo!” Iyan ang tunay na pagbabago at iyan ang dapat na isasaloob natin sa apatnapung araw ng Kuwaresma.

Reflection: 6th Sunday in Ordinary Time Year B - February 15, 2009: ANG MGA KETONGIN

May isang lalaking tumawag sa isang SPA clinic at nagtatanong sa receptionist kung meron silang available room. “Meron po sir, special at ordinary.” Sabi ng receptionist. “Anung pagkakaiba ng dalawa?” Tanong ng lalaki. “Sir, yung special may TV at masahista… Yung ordinary… may TB yung masahista!” hehehe… Mahirap ang may TB, nakakahawa. Hanggang ngayon isa pa rin ito sa mga sakit na kinatatakutan. Gayun din ang AIDS, meninggo occimia, bird flu… etc. Noong panahon ni Jesus, ketong ang kinatatakutan! Kaya nga ang may ketong tinitiwalag, hinihiwalay… pinandidirihan! Sa kaniwalang paniniwala ang ketong ay parusang ipinataw ng Diyos sa isang tao dahil sa kanyang malaking kasalanan o sa kasalanan ng lahi nila. Kaya nga ang isang may ketong ay inihihiwalay sapagkat siya’y makasalanan… marumi. Batid ni Jesus ang abang kalagayan ng mga ketongin. Dama niya ang sakit na dulot ng isang taong pinandidirihan at hindi tinatanggap sa lipunan. Kaya nga si Jesus ay hindi nagdalawang isip na pagalingin ang ketongin, hindi lamang upang linisin siya sa kanyang sugat kundi upang hilumin ang sakit na ibinigay nito sa kanya dahil sa mababang pagtingin sa kanya ng mga tao dala ng kanyang abang kalagayan. May mga ketongin din sa ating makabagong panahon na dapat nating damayan… hindi lamang ketong na sakit (hindi na sya nakakahawa ngayon), ngunit ang “ketong” na naglalayo sa atin sa ating kapwa. Marahil minamaliit natin ang iba dahil sa mas angat ang ating kalagayan sa kanila. Marahil mas “banal” ang tingin natin sa ating sarili kaysa mga taong malayo sa Diyos, marahil may mga tao tayong hindi pinapansin, hindi pa pinapatawad… napakaraming ketongin na dapat tanggapin at pagalingin… ang tanong… inilalayo mo rin ba ang iyong sarili sa kanila? Mag-ingat tayo sapagkat wala tayong kamalay-malay na isa na rin pala tayo sa mga taong ating pinandidirihan. At kung minsan nga… mas masahol pa sa kanila!